Sunday, January 26, 2014

kwentong kutsero

Pag may kwento, tapos ayaw paniwalaan ng mga kinukwentuhan, sinasabi nila "kwentong kutsero lang yan!"

Ito kwentong kutsero na napulot ko nung bata pa ko.
Panakot sakin ng nanay ko pag ayaw ko pa pumasok dahil nag lalaro pa ko sa labas
"hala ka may nagunguha ng bata dyan!"
xmpre matatakot na ko nun papasok na ko,
nung minsan natanong ko nanay ko, sabi ko,

Ma..
-Oh?
may nangunguha ba talaga ng mga bata?
-uo kinukuha nila yung mga bata, kukunin daw yung mga dugo ng mga bata tapos lalagay sa "san juanico bridge".
Ah

hindi ko man alam nun ano ibig sabihin nun kasi nga bata pa din ako nun mga lima o anim na taon ako nun,
basta takot ako nun, hanggang ngayon naman eh.
pero tutuo kaya yung mga balibalita na kumalat na yun nuon na yung mga batang nawawala pinapadugo sa San Juanico Bridge?.
sa tingin nyo? tutuo kaya o kwentong kutsero lang..?..