Noong unang panahon,
sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyak
ay may naninirahang mga Igorot na pinamumunuan ni Manto.
Si Manto ay bata pa,
Ngunit siya ang pinakamalakas at pinakamatapang sa kanilang nayon,
kaya siya ang ginawang lider ng matatandang pantas.
Namuhay lang sila nang tahimik sa nayong iyon.
Maibigin sila sa kanilang kapwa at may takot sa kanilang Bathala.
Taun-taon ay agdaraos sila ng kanyaw bilang parangal sa kanilang anito.
Ang kanyaw ay isang pagdiriwang sayaw ng mga Igorot.
Isang araw,
Si Manto ay pumunta sa gubat upang mamana ng ibon.
Hindi pa siya lubusang nakalalayo ay nakakita na siya ng isang uwak.
Karamihan sa mga ibon ay mailap
maliban sa uwak na ito.
Lumakad si Manto papalapit sa ibon ngunit ito ay hindi parin tumitinag.
Bigla siyang napatigil sa kanyang nakita nang ang agwat nila ng ibon ay isang dipa na lang.
Tinitigan siya ng ibon at saka tumangong tatlong beses
bago tuluyang lumipad.
Matagal na natigilan si Manto.
Bagama't siya ang pinakamalakas at pinakamatapang
ay nakaramdam din siya ng takot.
Hindi niya mawari ang kahulugan ng kanyang nakita.
Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana at siya ay bumalik sa nayon.
Nakipagkita siya sa mga pantas at isinalaysay ito.
"Marahil ang ibong iyon ay sugo ng ating Bathala,"
ang sabi ng isang matanda.
"Ipinaalala sa atin na magdaos na tayo ng kanyaw."
Ang pasya ni Manto,
"kung gayon, ngayon din ay magdadaos tayo ng kanyaw."
Ipinagbigay-alam sa lahat ang pagdiriwang na gagawin.
Ang mga mamamayan ay kumilos upang ipagdiwag ang paggawa ng altar sa bulubundukin.
Ang mga babae ay nagluto ng masasarao na pagkain.
Nag-alay sila ng baboy sa kanilang Bathala upang mapawi ang galit kung ito man ay galit.
Inilagay ang baboy sa altar.
Nasaksihan nila ang himala.
Ang baboy ay naging isang napakatandang lalaki.
Natigilan,
nanlaki ang mga mata at natakot ang mga tao.
Nagsalita ang matanda,
"Huwag kayong matakot, dahil kayo ay may mabubuting loob sa inyong Bathala ay gagantinpalaan ko kayo.
Sundin lamang ninyo ang aking ipinagbibilin."
Patuloy ang matanda,
"kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo dito sa tabi ko.
Pagkatapos ay sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok.
Ipagpatuloy ninyo ang inyong kanyaw.
Pagkalipas ng tatlong araw ay bumalik kayong muli sa pook na ito.
Makikita ninyo ang isang punungkahoy na sa buong buhay ninyo ay hindi pa ninyo nakikita.
Ang bunga ay maaring kanin ngunit ang katawan ay huwag gagalawin o tatanggalin man lang."
Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.
Pagkalipas ng tatlong araw ay bumalik sila sa pook na iyon.
Nakita nila ang isang munting punungkahoy.
Ito ay kumikislap sa liwanag ng araw
lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon.
Sa maikling panahon,
yumaman ang taga Suyak
ngunit napalitan ng pag-iimbot.
Ang punong kahoy naman at patuloy sa pagtaas hanggang sa hindi na ito maabot ng tingin ng tao.
Isang araw,
nagkasundo ang mga mamamayan na putulin at paghati-hatian ang bunga o dahon ng punong ginto.
Tinaga nila ang puno at nang malapit nang mabuwal
ang punong kahoy
ay kumidlat at kumulog.
Ang punong kahoy ay nabuwal, nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan.
Isang tinig ang narinig ng mga tao.
"Kayo'y binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan ngunit kayo'y naging sakim
at nawala ang pagmamahalan sa bawat isa.
Kayo'y maghihirap sa paghuhukay sa lupa bago mapasainyo ang ginto."
Pagkasabi ng mga katagang ito,
ang puno ay nilulon ng lupang pinagbuwalan ng punong kahoy.
Mula noon ay nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio at nakukuha lamang ito sa pamamagitan ng paghuhukay sa lupa.
source: Batayan at Sanayang Aklat sa Pagbasa sa Filipino sa Ikalawang Baitang. YAKAL 2. YAman ng KAisipan at lengguwaheng Filipino.
images source : https://www.google.com.ph/search?q=igorot+sa+baguio&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ei=hZb9U_ClNIyD8gXYloLoBg&ved=0CAYQ_AUoAQ&biw=1242&bih=606#imgdii=_
Wednesday, August 27, 2014
Tuesday, August 26, 2014
Ang Inahing Manok na Mapagmahal
Maagang nagpunta si Inang Manok sa tabing ilog
upang manginain.
Tahimik na tahimik si Inang Manok sa paghahanap ng makakain nang makarinig siya ng marahang kaluskos sa dakong likuran.
Nang kanyang lingunin,
isang malakingbayawak ang kanyang nakita.
Bigla siyang kumaripas ng takbo nang siya ay susunggabin nito.
Laking pasalamat niya dahil nakaligtas siya.
Nang dumating siya sa kanila
nakalawit ang kanyang dila sa paghingal
at maputlang-maputla sa takot.
Takang-taka ang mga sisiw sa nakitang sobrang takt sa ina.
"Muntik na akong makain ng bayawak:
ang wika ng inahing manok sa kanyang mga anak.
Isa-isa nilang nalaman na bukod pa sa lawin at uwak
ay may bayawak pa palang dapat na ingatan.
"Bakit kayo takot na takot sa bayawak?"
ang tanong ng isang sisiw sa kanyang ina.
"Dahil ang pumatay sa inyong amang si Tandang ay
si Bertong Bayawak.
Matapang ang inyong ama dahil siya ang kampeon sa sabong."
ang sagot ng kanilang ina.
"Kaya kayo mga anak,
mag-ingat sa mga bayawak, ha?"
Isang hapon,
Nagyaya ang mga sisiw sa tabing ilog
na malayo sa pinagkukutaan ng malaking bayawak.
Tuwang-tuwa ang mga sisiw sa pagkain dahil maraming bulate
sa kanilang napuntahan.
Sa sobrang tuwa ng mga sisiw,
sila ay nag-agawan ng pagkain at maingay na naghabulan.
Hindi tuloy napansin ni Inang Manok na may marahang
kumakaluskos mula sa isang malagong damo.
Ngunit sa halip na matakot
si Inang Manok ay nagtago sa isang mataas na bato
at tinanaw nalang niya ang mga sisiw.
Nang makita niya si Bayawak ay bigla itong sumugod at pinagtutuka niya at kinalmot niya ng mahaba niyang kuko.
Kaya napilitang tumakbo si Bayawak.
Nakita ng mga sisiw ang ginawa ng kanilang ina,
"Para sa amin lalaban ka pala ng patayan."
source: Batayan at Sanayang Aklat sa Pagbasa sa Filipino sa Ikalawang Baitang. YAKAL 2. YAman ng KAisipan at lengguwaheng Filipino.
images source : http://mattersmost.deviantart.com/art/ang-BAYANIHAN-204834296
images source : http://mattersmost.deviantart.com/art/ang-BAYANIHAN-204834296
"Makahiya" Saan Nagmula?
Noong araw,
may isang magandang dalaga na naninirahan sa isang nayon.
Siya si Maria, isang mestisang Pilipino-Espanyola.
Siya ay napakaganda,
may kutis na mamula-mula at may katamtamang taas.
Siya ay animo bituin na nagniningning sa ganda.
Marami ang naiinggit sa kanya ngunit marami ring naiinis
dahil siya ay suplada at mapagmataas.
Isang araw, umulan ng malakas.
Ang masipag na si aling Landa na naghahakot ng inipong kamote ay inabot ng ulan sa bukid.
Lumaki ang tubig kaya't kumatok si aling Landa sa pinakamalapipt na bahay upang makapagpalipas ng ulan.
Nagkataong ito ang bahay ni Maria.
Nagalit si Maria.
Ipinagtabuyan niya ang kaawa-awang si Aling Landa.
Itinulak niyang pababa ng hagdan si Aling Landa kaya nahulog ito sa tubig.
Naawa ang isang kapit bahay kay Aling Landa.
Dali-dali siyang lumabas ng bahay upang iahon si Aling Landa.
Putikan si Aling Landa nang umahon.
Niyaya ni Aling Berta si Aling Landa sa kanilang tahanan upang makapagpalit ng damit.
Binigyan pa siya nito ng pagkain.
Ang buong pangyayari ay nakita ni Diwata,
ang makatarungangpinuno ng kabukiran.
Pinagkalooban niya ng gantimpala ang maawaing si Aling Berta sa pamamagitan ng masaganang ani sa bukid.
Samantalan pinarusahan ni Diwata ang mapagmalaking si Maria.
Kinabukasan,
maganda na ang panahon,
nabigla ang lahat ng kapitbahay ni Maria.
Napag-alaman nila na ang bahay kasama si Maria ay nilamon ng baha at putik.
Di nalaunan,
isang halaman ang tumubo sa dating kinatatayuan ng bahay ni Maria.
Ang halamang ito ay may anyong damo,
walang taglay na bango at nagkakaroon ng mga tinik ang kanyang katawan.
Parang isang dalaga,
ang damong ito ay tumitikom kapag siya ay nasasaling.
Marahil,
sa naging kasupladahan ni Maria,
siya'y naging isang damong ligaw,
walang pumapansin di tulad noong araw na siya'y maganda at pinupuri ng karamihan.
Nahiya siya sa nangyari.
Kaya itinitikom ng damong ligaw na ito ang kanyang mga dahon tuwing ito'y nasasaling. Mula noon, nakilala ang damong ligaw na ito sa tawag na "makahiya."

Kung Bakit Kayumangi ang mga Pilipino
Minsan tinanong ko ang aking nanay kung bakit kulay-kayumanggi ang kulay ng balat ko tulad ng balat nila ni Tatay, ng kapatid ko at ng mga kalaro ko.
Isang magandang kwento ang kanyang isinagot sa tanong kong ito.
Sinimulan niya ang kwento sa paglikha ni Bathala ng ibat-ibang bagay sa daigdig.
Ayon sa nanay ko, dating nag-iisa sa daigdig si Bathala.
Malungkot si Bathala sa kanyang pag iisa kaya nilikha niya ang liwanag.
Pagkatapos, Nilikha niya ang langit at lupa.
Ngunit hindi parin nasiyahan si Bathala kaya nilikha naman niya ang araw, buwan at bituin.
Nilikha rin niya ang ilog, sappa, talon at dagat.
Maganda na ang daigdig ngunit wala pa ring buhay ito, " wika ni Bathala.
Kaya nilagyan niya ang lupa ng mga pananim, mga punong kahoy at mga bulaklak.
Isinabog niya ang mga ibon, paruparo at mga kulisap na naglipad-lipad sa himpapawid.
Idinagdag pa ni Bathala ang ibat-ibang hayop sa lupa at pinalangoy niya sa dagat at mga ilog ang ibat-ibang isda.
Nasiyahang pinagmasdan ni Bathala ang kanyang mga nilikha.
"Makulay at may buhay na ang daigdig.
Sayang ag kagandahang ito kung walang makakakita nito.
Sayang kung walang mag-aalaga at maninirahan sa daigdig",
wika ni Bathala.
"Gagawaako ng tao. Gagawin ko siyang kamukha ko"
Dumakot si Bathala ng malaing tipak na lupa.
Minasa niya ito at saka nilinok.
Pagkatapos inilagay niya ito sa pugon upang lutuin.
Naghintay siya ng ilang sandali.
Dahil sa kasabikang makita kaagad ang taong kanyang ginawa,
kinuha agad niya ito sa pugon.
"Ay!
Maputla ang kulay!
Hilaw pa ang pagkaluto.
Malaki siguro ang tipak ngnilinok kong lupa kaya hindi agad naluto." wika ni Bathala.
Muling dumakot ng Lupa si Bathala.
Maliit ito kaysa sa una niyang ginawa.
Muli niyang nililok at pagkatapos ay inilagay niya ito sa pugon.
"Ngayon, lulutuin ko ito sa pugon nang matagal.
Hindi ko kaagad hahanguin upang hindi mahilaw tulad ng isang taong ginawa ko," sabi ni Bathala.
At binantayan ni Bathala ang pagluluto sa pugon.
Dahil sa kapaguran, nakatulog si Bathala.
Nagising lamang siya dahil sa amoy ng nasusunog na putik.
Madali niyang hinango ito sa loob ng pugon.
"Naku, nasunog!
Lubhang nangitim ito dahil sa pagkasunog,"
Sa ikatlong pagkakataon
mulig dumakot ng putik si Bathala.
Katamtaman lamang ito.
Hindi malaki at hindi rin maliit.
Pagkatapos, inilagay niya ito sa pugon at binantayan niya ito nang mabuti.
Isinaalang alang niya ang haba ng oras sa pagluluto.
Nang inaakala niyang ito'y luto na ay saka niya hinango.
"Kayganda!
Tamang-tama ang sukat at anyo.
Tamang-tama rin ang pagkakaluto nito",
"hindi sunog, hindi hilaw, kayumangging tunay."
Mula sa tatlong uri ng ginawang tao ni Bathala nagmula ang iba't ibang lahi ng tao sa daigdig.
Ang lahing puti ay nagmula sa unang tao na ginawa ni Bathala. Malalaki at mapuputi.
Ang lahing itim ay nanggaling naman sa ikalawang taong ginawa ni Bathala - maliliit at maiitim.
Nagmula naman sa ikatlong taong ginawa ni Bathala ang lahing kayumanggi.
Nagpasalamat ako kay Nanay nang matapos ang kanyang kwento.
Tiningnan ko ang aking balat at saka ko sinabi sa kanya ang ganito. "Maganda pala ang kwento na nagpapaliwanang sa pagiging kayumangi ng mga Pilipino. Maipagmamalaki ko po pala na ako'y Pilipino at kabilang sa lahing kayumanggi."
Tumango ang mahal kong ina bilang pag sang-ayon sa siabi ko.

Subscribe to:
Posts (Atom)