Noong araw,
may isang magandang dalaga na naninirahan sa isang nayon.
Siya si Maria, isang mestisang Pilipino-Espanyola.
Siya ay napakaganda,
may kutis na mamula-mula at may katamtamang taas.
Siya ay animo bituin na nagniningning sa ganda.
Marami ang naiinggit sa kanya ngunit marami ring naiinis
dahil siya ay suplada at mapagmataas.
Isang araw, umulan ng malakas.
Ang masipag na si aling Landa na naghahakot ng inipong kamote ay inabot ng ulan sa bukid.
Lumaki ang tubig kaya't kumatok si aling Landa sa pinakamalapipt na bahay upang makapagpalipas ng ulan.
Nagkataong ito ang bahay ni Maria.
Nagalit si Maria.
Ipinagtabuyan niya ang kaawa-awang si Aling Landa.
Itinulak niyang pababa ng hagdan si Aling Landa kaya nahulog ito sa tubig.
Naawa ang isang kapit bahay kay Aling Landa.
Dali-dali siyang lumabas ng bahay upang iahon si Aling Landa.
Putikan si Aling Landa nang umahon.
Niyaya ni Aling Berta si Aling Landa sa kanilang tahanan upang makapagpalit ng damit.
Binigyan pa siya nito ng pagkain.
Ang buong pangyayari ay nakita ni Diwata,
ang makatarungangpinuno ng kabukiran.
Pinagkalooban niya ng gantimpala ang maawaing si Aling Berta sa pamamagitan ng masaganang ani sa bukid.
Samantalan pinarusahan ni Diwata ang mapagmalaking si Maria.
Kinabukasan,
maganda na ang panahon,
nabigla ang lahat ng kapitbahay ni Maria.
Napag-alaman nila na ang bahay kasama si Maria ay nilamon ng baha at putik.
Di nalaunan,
isang halaman ang tumubo sa dating kinatatayuan ng bahay ni Maria.
Ang halamang ito ay may anyong damo,
walang taglay na bango at nagkakaroon ng mga tinik ang kanyang katawan.
Parang isang dalaga,
ang damong ito ay tumitikom kapag siya ay nasasaling.
Marahil,
sa naging kasupladahan ni Maria,
siya'y naging isang damong ligaw,
walang pumapansin di tulad noong araw na siya'y maganda at pinupuri ng karamihan.
Nahiya siya sa nangyari.
Kaya itinitikom ng damong ligaw na ito ang kanyang mga dahon tuwing ito'y nasasaling. Mula noon, nakilala ang damong ligaw na ito sa tawag na "makahiya."
source: Batayan at Sanayang Aklat sa Pagbasa sa Filipino sa Ikalawang Baitang. YAKAL 2. YAman ng KAisipan at lengguwaheng Filipino.
images source : http://mattersmost.deviantart.com/art/ang-BAYANIHAN-204834296
No comments:
Post a Comment